weirdo
written on Monday, August 18, 2008 at 2:30 PM |
Ako'y nagbabalik..May internet na ulet. Nagtry ako kaninang umaga, tapos meron na.Natuwa ako.Share ko lang.hmm.Habang kumakain, natawa ako magisa.Syempre makakapagnet na ulet ako dito sa bahay.Di na kelangan magnet sa labas. Di na ako gagastos and di na ko gabi uuwi.At higit sa lahat..
"MakakapagBLOG na ulet ako."
ayee..palakpakan! oha! umaasenso nanaman ako..Now Showing.."Rizalvadors"
Una inatasan si Ia na gumawa ng collections ng mga pics kasi gagawin daw na muvee.Ipapakita sa Director ng school. So sinabi ng mga classmates ko na magaling daw ako sa ganung bagay. Syempre tahimik lang ako, nakatungo. Nakakahiya kasi eh (di ako sanay). Pagkatapos nun sinabi ni Sir John na ako na daw gagawa.
Ginawa ko kagad nung umuwi na ko. Alas dos na ko nakatulog. Tapos di pa pala ipapasa. Tamo! Kainis. Pero okay lang. Worth it naman. Nagustuhan ng adviser ko and mga classmates ko. Ayee. Syempre natuwa ako. Mangiyakngiyak. Toinx!
Nilagay ko sa youtube.. watch mo ah..cgueh na..ayee.. Can't fight this feeling..
As we all know crush ko yung malupet naming adviser. Marami akong karibal sa kanya. Kaso di ko siya mareach. Taas ng level niya eh. Siya ay isang guro samantalang ako'yhamak na estudyante lamang. Alam naman nating bawal ito ayt?..Ngunit di ko maiwasan (my gosh!). Paghanga lang naman. Natatakot nga akong mag more than pa dun kasi 4th year na ko. Di ko na siya makikita after this school year. Sa 2 months naming magkakasama, may mga pangyayaring kinilig ako. Nahawakan ko yung kamay niya (2 mins siguro). Tinawag niya ko tapos wala siyang nasabi. Laging ako yung tinatawag niya imbes na yung katabi ko. Mga titig niya.
Sabi nga ng sis ko,Chucha, obsess na daw ako. Sakanya kasi ako nagoopen tungkol dun. Kaya minsan iniisip ko na ayoko na mapabilang sa mga nagkakandarapa sakanya. Mahirap. Sobrang hirap. Alam ko namang wala akong mapapala. :(
Month of August. Hectic kasi sched ko eh. Wala na kong time para sa sarili ko (charmx ulit!). Pati lovelife wala! tsk!. Buti tapos na ang Test namin, madugo yun for sure. Ahehe. May next test nanaman kami, NCAE para sa career kuno. Sana nga makapasa ako. Busy rin ako sa mga practices ko. Member kasi ako ng Performing Arts Dance Troupe. Prime Dancer (ayee). We're going to dance "uya-uy" this coming Aug.29. Eto ang chika, di lang kami sa UPHSD magpeperform, pati din sa International British Academy. O diba? Taray. May sabayang pagbigkas din kami this coming Aug. 29. I have 3 shows in 1 day. Ayee! Asensado na! Last year kasi di ako ganun kaactive eh. Special thanks to Sir Ferrer.Kung wala siya malamang binaon ko na talaga sa limot ang pagsayaw. ayee!(may talent pala ko?!toinx)hmm. Busy rin ako every thurs. dahil sa CAT-1. May training kami tuwing hapon. Iniyakan ko rin to. Hirap kasi eh. I've got to get my priorities right.
Cell phone ~ Weirdo ang cell ko dahil bigla nalang nag phone memory full. Naburaot ako dahil 2 days akong di nakareceive ng msgs. Fortunately ayos na 'to as of now. Nireformat ko kasi eh.
Flash Disc ~ Weirdo ang flash disk ng classmate ko dahil bigla nalang nawawala. Hinanap ko na't lahat-lahat wala parin. Nahihiya nga ako sa classmate ko eh. Mapapabili tuloy ako.
"Si Kumag" ~ Weirdo ang kumag na yun dahil feeling close at nagfeefeeling. Feeling lang naman. Sarap pakulam eh.
"The Pervert" ~ Weirdo ang perv na yun dahil masyadong atat sa mga bagay bagay at pati ako dinadamay. Well excuse me, ibahin mo ko tsong!
"A jealous human" ~ Weirdo ang taong yun dahil di marunong lumugar. Nakakairita kaya. Balibagin ko kaya siya.
♥ mushroom