"Oh! Palakpakan..”
Mga salitang nanggaling mismo sa bibig ng aming magaling na guro. Ang pangalan
niya ay Ginoong Salvador John M. Magalong. 22 years old. Nagtapos sa kursong BS Physics. Siya ay kagalang galang na nilalang, matalino at isang responsableng tao. Siya ang aming nagiisang ADVISER..
Labis akong humahanga sa kanyang taglay na kagwapuhan at kabaitan. Hindi ko alam kung kelan ito nagsimula. Ang alam ko lang, pag papasok na siya sa aming silid aralan, ako’y labis na natutuwa. Hindi ko mapigilan ang bugso ng aking damdamin. Bawat pilantik ng kamay, bawat kurap, bawat ngiting sumisilay sa kanyang mapupulang labi at sa kanyang pag hirit ng mga kurneng Joke, ito’y tumatatak sa aking puso’t isipan. Siya ang nagiisang guro na hinangaan ko ng labis. Siguro iisipin mong ito’y kahibangan lang ngunit nagkakamali ka kapatid.
Ika-8 ng Hulyo 2008, may isang pangyayaring kagimbal gimbal. Hindi ko akalaing mangyayari yun. Sa bawat salitang binibitawan niya ay masasakit. Ang pakiramdam ko’y wala nang pag-asa maayos ito. Ang pinakamasakit ay ang sabihin niyang, “ You may go”, at biglang umalis ng silid aralan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sobrang nasaktan ako at ang iba kong kaklase. Habang naglalakad sa pasilyo, hindi ko mapigilan ang luhang tumutulo sa aking pisngi. Nagulat ako sa mga nangyari, di ko lubos maisip na pagkatapos naming magtawanan at magasaran ng buong klase ay magiging malungkot din pala ang kahihinatnan. Ngayon, napatunayan ko na ang kasabihang, sa bawat ngiti ay may kapalit itong lungkot.
Ika- 9 ng Hulyo 2008, umaga palang, pinagiisipan na ng buong Rizal kung paano hihingi ng kapatawaran. Oras ng RHGP ng hapon, walang sigla ang buong klase, tumayo ang aking kaklaseng lalaki at humingi ng kapatawaran. Kami’y pinalad at pinagbigyan ng pangalawang pagkakataon. Dito na bumuhos ang aming mga luha. Siya ang nagiisang ADVISER na ikinatuwa ang aming klase at nagsabing MAHAL niya kami.
Mahal ka rin namin Sir John. Mahal ka namin…