istraayk huwan
written on Sunday, July 27, 2008 at 5:00 PM |
July 18, 2008 Labis akong natutuwa at nagpapasalamat sa mga taong naging dahilan kung bakit ako nakapagrecite sa RHGP. Hindi ko akalain na ako’y pupunta sa inyong harapan at magsasalita tungkol sa madugo kong buhay. Buweeeseet! Hindi ako nakapag make up. Hindi ako nakapag ayos man lang. Sa madaling salita, hindi ako nakapag paganda. Lintik na walang ganti! Hmmft..
Pwede naba ko ulit magkwento??
Edi ayun na, tinawag na ko ng aming minamahal na guro. Ako naman itong kinikilig, tumayo naman. Oha! Syempre pa bagal effect pa ko kunyari nahihiya, yun pala kinikilig na yung puwet ko. Nasa harap na ko, nagsasalita ng may kabuluhan. Humantong sa ganitong usapan:
Merliam: God gift? Ahm eyes kasi hindi ko kayo makikita kong wala ‘to diba..
Lahat: oww… (natouch)
Merliam: Lalo na si Sir (sabay turo kay Sir John)
Lahat: (tawanan) ooh!
Merliam: (Namumula)…
Girl1: Nique talu ka na oh!
Merliam: (tingin kay Nique) Peace*pabulong*
Nique: (natawa) Okay lang.
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Kahit nga ako nagulat din. Lumabas lang bigla sa bibig ko ang mga katagang iyun. Masyadong pazaway ang aking bibig. Huwaa ah ah ah. Ang saya talaga ng time na yun. Sana ganun nalang forever. Hee hee hee . Habang nagpapatatak ay nasa tabi ko ang aking CRUSH. Siguro alam na niya ang aking lihim na pagtingin sa kanya. Lalu na ng sabihin ng aking kaklase na nagaaway daw kami ni Nixiel, kapateed, dahil sa kanya. Natawa na lang siya sa oras na iyun. Sinabi ng aking pader na kinikilig daw ako. Sabi naman ng bunso kong si Balinguynguyin, malantong daw ako. Sabi naman ng panganay kong si Ahmie, ang landi kong nanay. Ang sabi ko naman sa sarili ko, ang tapang ko. Syempre humingi ako ng paumanhin sa aking kapateed na si Nixiel. Okay lang daw ito. Umaapaw ang kaligayahan sa aking puso…Walkathon
Uwian na ng mga 4th year students. Ako’y sumama sa aking mga kaklase na pumunta sa bahay ni Talakera. Aba! Napagkasunduan naming maglakad. Nasira ang beauty namin. Charing. Nilakad namin mula UPHSD hanggang Wood Estate. Aba! Maputeek ang daan. May shinare pa si Hampaslupa, ang sabi niya, pag magkasama daw ang isang babae at isang lalaki dapat nasa gilid ng daan ang lalaki. Oh diba? Napaka maginoo ni Hampaslupa. Hindi naman kalayuan ang Wood Estate. Malapit lang pala ito at pwedeng pwede lakarin. Naku! Hinding hindi ka pagpapawisan. Parang naglakad ka lang simula Imus papuntang Baclaran. Hehe. Nasa Wood Estate na kami, dumiretso kami tapos kumaliwa tapos diretso ulit tapos kumanan naman (tama bang ishare ang direksyon?!). May makikita kang brown house. Wala lang makikita mo lang. Syempre di ko sabihin kung anong kulay ng pamamahay ni Talakera. Masyadong confidential. Bawal ka kasi dun eh. Hehe.
Nasilayan ko na rin ang bahay ni Talakera. Meron silang TV, lababo, sofa, computer, pulbos na Tender Care, year book, violin, hany chocolate at tarot cards. Ang nakaagaw sa aking pansin ay ang DVD ng Full house na pinagbibidahan ni Rain at Song Hye Kyo. Habang tumutugtog si Balinguynguyin ng violin kami’y abalang abala sa pagbabasa ng blog ni Talakera. Habang nagbabasa kami’y kumakain ng hany. Kami na nga ang nakaubos ng nasabing tsokolate. Sumasabay sa aming pagiingay ang alagang hayup ni Talakera na nagngangalang Courage. Naaangkop ang pangalan nito sa kanyang pinapakitang asal. Napaka ingay at tahol ng tahol animo’y may umaaway rito. Naka ilang saway na kami rito pero di parin nakikinig. Marahil ay masaya ito sa aming pagpunta sa bahay ng amo niya. 5:30 pm, Napagisipan nila Talakera at Hampaslupa na bumili ng inasal sa dahilang gutom na ang aming mga alaga sa tiyan . Ako muna ang gumamit ng computer at naghintay na makabalik sila. Ang aking kapalaran Dumating na sila galing sa asalan. Mga 30 mins din sila nawala. May dala silang Dugo at Balat.
Kumuha ako ng isang dugo at isang balat. Mabilis kong ito naubos at kumuha ulit ako ng isa pang balat. Habanh nakain kinausap ko si Domz na hulaan ako. Inaasar ko pa siyang may future siya. Sinimulan na niya ang panghuhula. Panghuhulang may kopyahan. Wee! Lahat ay may kinalaman sa pera at pagalis. Naqoo ahh! Bakit ganun?! Buraot. Hehe. Related naman at konektado rin.
Nagpahula rin si Hampaslupa at hindi aman siya nakikinig. Nainis si Domz dahil di aman siya pinakikinggan ni Hampaslupa. Aba! Pagkatapos nun napagisipan na naming umuwi. Hinatid kami ni Talakera sa labasan at namaalam na. Ako’y nilibre ni Domz ng pamasahe para di niya na ko hintayin pang makasakay. Ako’y bumaba sa 7-eleven at tuluyan ng umuwi…
♥ mushroom